Saturday, July 31, 2010

Mariel at Toni may rift?



Hindi man direktang umamin si Toni Gonzaga na may tampo siya sa kaibigang si Mariel Rodriguez, marami pa rin ang nagsasabing naapektuhan talaga siya ngayong hindi na tuloy ang nakatadka nilang pelikula ni Robin Padilla. Matatandaang handa na ang lahat para dito ngunit tila nagbago ang plano ng management mula ng mag-click ang tambalan ni Robin at Mariel noon sa Wowowee. Ngunit ng hingan ng reaksyon si Mariel tungkol dito, kaagad niyang itinanggi na may kinalaman siya sa pagkakansela ng nasabing proyekto. "Wala naman akong koneksyon dun. Pero sige, kasalanan ko na lahat, yung pag-angat ng presyo ng gasolina ako na rin, ako na lahat," pagbibiro nito.

Madalas daw mag-text si Mariel kay Toni pero aminado siya na ang huling text nito sa kanya ay two weeks ago pa para i-congratulate siya sa naging tagumpay ng Cinco sa box office. Pero hindi naman daw dapat bigyan ito ng kahulugan ng mga tao dahil wala naman talagang tampuhan sa pagitan nilang magkaibigan. "Wala namang issue so sana huwag kami pag-awayin. Yun lang talaga ang pakiusap ko. That's why the only reason I agreed to have an interview with SNN was because the fans are fighting."

Ayaw na rin gawing big deal ni Mariel ang mga naririnig niyang balita na hindi pa handang makipag-usap sa kanya si Toni ngayon. "Ay, hindi ko alam. Baka wala ako dun kaya hindi pa talaga siya ready makipag-usap. And kasi nga wala naman talagang dapat pag-usapan." Naniniwala din siya na malalampasan nila kung ano mang kontrobersya ang lumalabas ngayon tungkol sa kanila. "Alam mo kasi, ang tagal na ng friendship namin ni Toni e. So 'di ko iniisip na magkakaroon ng lamat. I will always, always love Toni," pagtatapos niya.

5 comments:

  1. sus..liar..kontrabida ka kay toni!

    ReplyDelete
  2. cnungaling tlaga yng c mariel,tinanggi nya n my anak cya pero ang totoo 2 ang anak ny s mgkaibang ama.kya hnde n ako mgtaka kng pumatol yn ky robin kc malandi tlaga yn. pti anak ny d ny maamin.

    ReplyDelete
  3. Ok lang na hindi natuloy ang movie ni Toni at Robin. Hindi bagay si Toni kay Robin. Wholesome si toni at napakabait. si robin naman ay napakababaero at endorser p sya ng condom.hahahaha kadiri. para kay robin to - same feathers kayo ni mariel kaya tama lang. malamang malang kita n naman yan movie nyo with mariel tulad ng nangyari sa agentx44....

    ReplyDelete
  4. ay talaga may anak na xa?!kaya pala...

    ReplyDelete
  5. ganyan tlga friendship may tampuhan.sana maayos yan. Godbless

    ReplyDelete