Sunday, August 29, 2010

Enchong Dee first thought he couldn’t be a ‘showbiz person


Inilabas kahapon sa The Buzz ang panayam kay Enchong Dee hinggil sa isyung iniiwasan daw umano ng aktor ang nasagasaan niyang lalaki. Naganap ang nasabing aksidente noong Agosto 4 sa may Taft Avenue kung saan nagkabanggaan ang kotse ni Enchong at isang public jeepney. “Wala akong kasalanan dun sa nangyari. Kahit ‘yung mismong guard on duty sa lugar na ‘yon na nagbigay ng report sinasabi niya hindi ako ang may kasalanan,” kuwento ni Enchong kay Boy Abunda. Kahit daw kasi naka-stop na ay tumakbo pa rin ang driver ng jeep. “Sabi ng pulis na nandun ay ‘yung jeepney driver ang may kasalanan, I was at the right place and sumunod lang ako (sa batas trapiko).”

Sa nangyaring banggaan ay naipit naman ang paa ng isang pasahero ng jeep na si Marlon Bonalos dahil nakalabas ang kanyang paa sa sasakyan. Sinabi rin ng kinauukulan na walang kasalan si Enchong dahil responsibilidad umano ng driver na sabihan ang pasahero nito na
ipasok ang paa sa jeep.

Gayunpaman pumunta pa rin si Enchong sa ospital para kamustahin ang naaksidenteng lalaki sapagkat ito raw ang tamang gawin. Nagbigay umano siya ng P700 kay Marlon para sa mga kailangan niya sa mga oras na iyon. Sa parehong araw raw ay nagbigay din siya ng P3,000
upang mapatingin ang paa ni Marlon at makabili ng mga kinakailangang gamot.

Agosto 15 daw ay muling nag-text ang lalaki kay Enchong upang humingi uli ng tulong subalit hindi na nakadalaw si Enchong dahil isinugod din siya ospital dahil sa dengue. Nagpadala pa raw uli siya ng P3,000 at isang saklay. Punto pa ni Enchong, covered na raw lahat ng medical expenses at gamot nang unang iniabot niyang tulong.

Masama kasi ang loob ng aktor dahil sa pagpapa-interview ng lalaki sa kabilang istasyon at sa mga akusasyon nito. Depensa raw ng lalaki sinabi raw ng crew na pumunta sa bahay niya na hindi raw sila aalis hangga’t hindi siya nagpapa-interview. Bilang tugon naman sa pagpapa-interview ng lalaki, ito ang sinabi ni Enchong, “Sinabi mo magpakalalaki ako. Unang-una, kung hindi ako nagpakalalaki, nung oras pa lang na sinabi ng mga pulis na wala akong kasalanan, umalis na sana ako. Hindi na sana ako nag-abot ng tulong. Nakakalungkot lang na after all the help, ganito pa ang nangyari. Sana naiintindihan mo ang lahat ng nangyayari,” paliwanag na lamang ng aktror sa interview.

No comments:

Post a Comment