Sunday, August 29, 2010
Maria Venus Raj favors having a Filipino translator in the Miss Universe pageant
Sa panayam ni Maria Venus Raj sa The Buzz kahapon, sinabi ng pambato ng ‘Pinas sa katatapos na Miss Universe pageant na inasahan niya na niya na siya ang magiging fourth runner-up matapos ang question and answer portion ng show. “After the question and answer (portion), yes (inasahan ko). May final walk, ‘di ba, after the q and a, parang naglalakad ako (nasa isip ko) fourth runner-up, fourth runner-up,” natatawa niyang sabi. “Ako very positive pa rin na matawag na manalo pero nakikita mo ‘yung reaction ng mga tao at judges.”
Hindi rin daw siya napipikon na naging trademark niya ang “major, major” dahil sa isinagot niya during the Q&A portion. “At least every time na sasabihin ng mga tao kahit na siguro matanda na ako o may pamilya na ako, ‘pag sasabihin nila ‘yung ‘major major’, ‘Ay si ganito ito ng Miss Universe!’ Pag andun ka unconscious ka sa mga sinasabi mo, siguro hindi ako aware na inulit ko na siya ng dalawang beses.”
Tinanong din si Venus kung pabor ba siya sa mungkahi ng iba na magkaroon na ng translator ang mga pambato ng Pilipinas sa mga international beauty contests. “Sa akin po okay lang kasi iba po nga naman ‘yung pag-explain ng mga bagay-bagay when it’s in your language. Parang hindi ka na mag-iisip kung ano ang tamang words na gagamitin.”
Kung sino ba sa tingin niya ang deserving na mag-uwi ng korona, ang sagot ni Venus ay, “Miss Mexico really deserves the crown pero I know Miss Australia from the start, kasi kasama ko po siya sa tour and kami ‘yung roommate.”
Bukas naman daw si Venus sa pag-aartista at malaking karangalan daw sa kanya kung mapabilang sa fashion-serye na Magkaribal.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment