Wednesday, September 1, 2010

Coco Martin still willing to go daring for indie flicks


Sa kabila ng kasikatang tinatamasa ngayon ni Coco Martin bilang isang artista ay kabuntot naman ng kanyang tagumpay ang intriga. Sa set visit for the press last Tuesday para sa kanyang bagong show na Idol , sinabi ni Coco na tanggap naman niya ang mga intriga na kasama ng showbiz. “Ganoon naman po yata sa showbiz eh...basta ako po, sa lahat po ng naging projects ko sa ABS (CBN), lahat po ng trabaho ko, binibigay ko pong lahat ng kaya ko. Kumbaga, ginagawa ko lang naman po ang kung anumang trabahong ipinagkakatiwala po sa akin ng ABS (CBN), artista lang po ako at mahal na mahal ko po talaga ang trabaho ko ngayon,kaya nga po lagi kong sinasabi na sobrang blessed po ako dahil kahit ako naman po ay hindi ko rin ine-expect na ganito po ang magiging takbo ng career ko ngayon.

Simula ng maging visible si Coco sa telebisyon at magaganda ang projects na dumating sa kanya ay tila goodbye na nga ang aktor sa mga seksing pelikula partikular sa mga indie films kung saan siya unang nakilala at nabigyang pansin ang kanyang galing bilang isang aktor. “Ay, hindi naman po. Wala naman po akong planong ganoon.Hindi naman po ibig sabihin na hindi na ako gagawa ng sexy films, unang-una po, hindi ko po makakalimutan 'yun dahil dun po talaga ako nanggaling at doon po ako napansin talaga. Nagkataon lang po na this time ay more on drama ako at ilang love story sa TV, tapos sobrang drama rin 'yung ginawa ko sa mainstream movie ko, sa Sa'yo Lamang, siguro, ito lang 'yung nakapasok na project sa akin ngayon, wala naman po akong limitations, ganoon pa rin naman po tulad dati. Nagkataon lang na this time, mas serious roles ang dumarating sa akin, kaya dito po ako ngayon,” paliwanag ni Coco.

Kamusta naman ang kanyang working relationship sa bida ng Idol na si Sarah Geronimo? “Si Sarah, sobrang professional, parang bata, masayahin sa set. Ngayon lang kami nagka-trabaho actually. Marami na ring nakunang magka-eksena po kami, nung una ay aaminin ko na nahihiya ako sa kanya siyempre, Sarah Geronimo siya, ‘di ba? Ang galing niya at masarap siyang katrabaho,” maikling kuwento ni Coco.

Walang iba pang mahihiling ang aktor ngayon sa dahilang magagandang projects naman talaga ang dumarating sa kanya. “Masaya ako dahil ganoon kalaki ang tiwalang ibinibigay sa akin ng ABS-CBN. Masaya ako dahil magagandang projects lagi ang ibinibigay nila sa akin. Like after nung Kung Tayo’s Magkakalayo ay heto naman ang Idol tapos may movie na rin ako with Lorna Tolentino at Direk Laurice Guillen pa, sobrang wala na po akong mahihiling pa kundi sana tuloy-tuloy yung blessings."

No comments:

Post a Comment