Sunday, September 5, 2010

Sarah Geronimo, Sam Milby and Coco Martin talk about their biggest idols


Sa The Buzz kahapon ay pinag-usapan ng tatlong stars ng kantaserye na Idol na sina Sarah Geronimo, Sam Milby at Coco Martin ang kanilang mga iniidolo sa buhay. Lubos ang pasasalamat ni Sam kay Gary Valenciano dahil sa pagiging perfect model nito hindi lang sa kanya kundi sa lahat.

Malaki namang pasasalamat ni
Sarah Geronimo dahil naging kaibigan na niya ang kanyang iniidolong si Megastar Sharon Cuneta. Sabi pa ni Sarah, ayaw daw ni Megastar na tawagin siya nitong Ms. Sharon kundi Ate Sharon na lang.“Maraming-maraming salamat po sa pagiging totoo po sa akin, sa pagmamahal mo po kahit na hindi kami masyado nagkakasama ni (Ate) Sharon pero through Ate Judai (Judy Ann Santos) na rin at mga common friends, ‘ayun nabuo ‘yung friendship,” ani Sarah.

Natatawa namang inalala ni Coco ang first time na maka-eksena niya ang kanyang idolong si Christopher de Leon sa pelikulang Sa ‘Yo Lamang. “Sobrang iniidolo ko kasi si Christopher de Leon. Nung makita ko kasi na siya ang makaka-eksena ko, first na nangyari sa akin ‘yon na halos hindi ko mamemorya ‘yung lines ko. Sabi ko, ‘Ano bang nangyayari?’ Marami naman akong nakatrabahong veteran actors pero nung nakita ko siya, nanginig ako. Iba pala ‘yung presence ni Christopher de Leon. Nakakalaki ng puso maa-appreciate ‘yung trabaho mo.”

Nagkakaisa naman ang tatlo sa pagsasabing pinaka-idol nila ang kanilang pamilya. “The one thing that a child wants to hear from his parents ‘yung sobrang proud sila sa ‘yo,” kuwento ni Sam sa kanyang mga magulang. “Kahit ano’ng choice ko sa buhay they’ve been always supportive.”

Inspirasyon naman ni Sarah ang kanyang pamilya. “Sa kabila ng lahat na pinagdaanan, nananatili kaming magkakasama, nagmamahalan at magandang epekto sa trabaho ko sabi ko nga wala na akong mahihiling pa. Makita ko lang silang buhay every morning (at) walang sakit, naku masayang-masaya na ako.”

Dahil lumaki sa lola, ang sabi naman ni Coco, “Sobrang iniidolo ko talaga ang lola ko kasi siya talaga ang naghirap sa amin. Siya ang nagpalaki sa akin, siya ang naging huwaran para ayusin ko ang buhay ko at magsumikap ako.”

No comments:

Post a Comment