Thursday, September 9, 2010

Marian Rivera kapuso pa rin!


Napabalita na sa ilang pahayagan at ilang sikat ng entertainment blogsite na pagkatapos ng Endless Love ay may nakalaan na kaagad na bagong show si Marian na gagawin. Mala-epiko daw ang tema ng bagong show ni Marian na may pamagat na Chrysa: Ang Dakilang Maharlika. Ilan sa napabalita na makakasama ni Marian sa nasabing epikong show ay sila Cherrie Gil, Christopher de Leon, Glydel Mercado, Rita Avila at Diana Zubiri. Nasagap din namin na hindi lamang isa ang magiging leading man ni Marian kundi tatlo. Ang nasabing show ay ipapalabas sa susunod na taon at ngayon pa lamang ay inaabangan na dahil sa napakalaking produksyon na ilalaan dito ng GMA 7 katulad sa mga nakaraang show na Mulawin at Encantadia.

Sa usapan pelikula naman naka takdang gumawa si Marian ng pelikula para sa official entry ng regal films sa mmff ang remake ng hit movie ni Maricel Soriano na Super Inday.
Usap usapan din ang pag gawa niya ng isa pang pelikula na takadang ipalabas sa febrero ang valentines offering ng gma films with Richard gutierrez and Dingdong dantes pero wala pa itong confirmation mula sa manegment.

No comments:

Post a Comment