Thursday, August 5, 2010

Cristine Reyes umamin linigawan siya ni Rayver cruz!


Finally, after ng lahat ng speculations, sightings, at kung anu-anong intriga kina Cristine Reyes at Rayver Cruz... umamin na rin si Cristine sa real score between him and Rayver. Sa confessions niya kay Boy Abunda sa SNN, diretsahang tinanong si Cristine kung nanligaw or nanliligaw ba sa kanya ang aktor, na naging kontrobersiyal nang ma-link ito kay Sarah Geronimo. At ang sagot ng bida sa Precious Hearts Romances presents : Martha Cecilia's Kristine...
"Uhm nanligaw po siya pero ngayon hindi na."
Kasunod ng pag-aming ito ay ang confirmation ni Cristine na napag-usapan nga nila ni Rayver si Sarah, at marami itong nasabi about the Popstar Princess / Box Office Queen. Nang matanong naman kung bakit hindi natuloy ang panliligaw nityo sa kanya...
"Bakit hindi natuloy? Kasi minsan akala mo perfect na tapos may malalaman ka na may sabit pala."
"Akala ko that time walang involved na iba... Wala naman kasi akong alam sa kanila, pinakitaan ako na parang wala siyang (Boy : attachment? Relasyon?) Opo, so nung papunta na po dun, meron kaming common friend na close sa akin at close din kay Sarah... Sinabi sa akin, sinasabi sa akin lahat yung totoo," ang dagdag pa ni Cristine.
Sa lahat ng ito, ang bottomline lang, hindi gusto ni Cristine ang maging makasarili. Masaya nga siya, may masasaktan namang iba, ayaw niya ng ganun. "Opo nagdecide ako na wag nalang ituloy kasi mahirap lumigaya kung meron ibang taong nasasaktan," ang kanyang deklarasyon.

3 comments:

  1. Mas gusto ko yun interview ni toni...........

    ReplyDelete
  2. i hate cristine reyes.may karapatan ba siya para sa kanya manggaling un? Sa pagkakaalam ko hindi gamit si sarah,,pero bakit lagi siya nagagamit? Manggagamit mga kau,,bagay kau ni RC. You deserve each other. Bakit hindi issue mo with dennis tungkol sa pagpunta mo sa condo nya pero wala ka naabutan ang ipagsigawan mo sa mundo,,tutal ang kelangan mo lang namn eh intriga diba!!!Cristine USER reyes

    ReplyDelete
  3. pareho lang si toni at boy mahilig gumawa ng kwento..... kahit ayaw pagusapan ng tao pinipilit, buti nga sa inyo di kayo patulan ni sarah wala kayo makuhang tsismis. pano kasi kasiraan lang ng tao ang hinahanap niyo......kahit anong gawin niyo paninira at panlalaglag, kaming mga tunay na fans ni sarah ay nandito lng para sa kanya.....

    ReplyDelete