Thursday, August 19, 2010

Gretchen Barretto says a movie will complete her showbiz comeback


Marami ang nagsasabi na hindi malayo na makakuha muli si Gretchen Barretto ng isang acting award dahil sa sikat na teleserye na Magkaribal. Pagkatapos niya na umani ng parangal para sa Maalaala Mo Kaya last year ay mukhang mas magiging shoo-in kumbaga si Gretchen dahil sa effective na pagganap niya bilang si Victoria. Sobrang overwhelmed ang aktres sa response ng mga tao sa una niyang teleserye kaya’t di na nga napigilan ni Gretchen na mapaluha matapos ang thanksgiving mass na ginanap last Saturday sa ABS-CBN.

Sulit na sulit para kay Gretchen ang kanyang desisyon na bumalik sa showbiz. “Hindi ako nagkamali na bumalik sa showbiz after ten years at dito ako sa ABS-CBN gumawa ng proyekto.” Tinanong namin siya kung ano ang reaksyon ng kanyang partner na si Tony Boy Cojuangco sasuccess ng kanyang show. “Tuwang-tuwa siya. Tuwang-tuwa siya at nakikita niya kahit mga kaibigan niya at kahit saan siya rin magpunta talagang pinupuri nila angMagkaribal.’ So, proud na proud siya,” sagot ni Gretchen.

Natatawang sumagot si Gretchen sa mga tanong na may mahihiling pa ba siya ngayon na successful ang kanyang showbiz comeback. “Wala na ako’ng mahihiling. Siguro movie na lang, haha. Wala na raw pero talagang humirit,” pahayag ni Gretchen. Sino ang gusto niyang makasama sa isang movie? “Ah, hindi ko pa naiisip ngayon yan. Meron kaming mga naka-linya pero hindi pa namin ipinapalabas ‘yun kasi gusto ko munang mag-focus dito sa Magkaribal.’” Pero okay lang ba sa kanya na kahit sino sa mga sikat at hot na aktor ang makasama niya? “Hindi sa kahit sino. Mamimili pa ako, hihihi. Siyempre gusto ko special,” nakangiting sabi ni Gretchen.

No comments:

Post a Comment