Sunday, August 15, 2010

Kris Aquino reacts to James Yap's mother's statements!


Last week ay ginulat ang marami nang paglabas ng ina ni James Yap na si Mrs. Annie Yap sa isang tv show, para magsalita regarding the present issues na hinaharpa ng kanyang anak at ni Kris Aquino. Nasabi niya sa interview niya na hindi niya gusto si Kris nung una pa lang for her son, at nakiusap siyang wag daw sanang isisi lahat sa anak niya ang nangyayari ngayon sa kasal ng dalawa. Sa isang interview ay inamin ni Kris na kahit gusto niya nang manahimik muna, ay napanood niya rin ang video ng interview na ito ni Mrs. Yap. According to Kris :

"Kasi pinanuod ng mga sisters ko…siyempre nung pinag-uusapan nila, hinanap ko na rin pinanood ko... siyempre masakit. Ito lang ang sasabihin ko na sana hindi ma-misinterpret ng ibang mga tao. Lahat ng kapamilya ko, lahat ng kapatid ko… walang masama ever na sinabi tungkol kay james... Siyempre, tao lang naman ako. Kung maririnig mong never

Pero kahit nasaktan sa mga narinig mula sa ina ng dating ka-relasyon, pilit pa rin itong iniintindi ni Kris dahil bilang isang ina, lahat naman talaga ay gagawin mo for your children. But eto naman ang pakiusap ng Queen of All Media sa kampo ni James :
"Ako simple lang ang request ko. Siguro nailabas niyo na lahat ng hinanakit niyo, lahat ng sama ng loob. Nangako ako sa mga kapatid ko na never will I say anything derogatory towards james, because tatay siya ng anak ko and para na lang sa anak namin, tatahimik ako. Sana pag paulit ulit mong sinasabi na sana maging magkaibigan tayo, sana maging maayos ang lahat… gawin nyo din. Walang hiwalayan na nagaganap na madali na walang problema na walang nasasagasaan, walang naaapakan. Natural yun. Pero gagawin namin ang lahat to be as decent as possible kasi nga kapakanan ng isang 3-year old na bata."
At para kay Mrs. Yap, ito ang message ni Kris :
"Eto na lang ha mapapanood po iyon ng apo ninyo, at some point in time kasi nasa internet na, nanay po niya ko kahit anong gawin ninyo lumabas sya sa sinapupunan ko… ako po ang magpapalaki. Ako po ang magsusumikap para maitaguyod si baby james. Masakit po para sa akin na yung apo po ninyo, sisiraan ang nanay niya sa kanya. Kasi magkahiwalay man po kami, kadugo nyo pa rin ang anak ko. Magsakripisyo na 'ko, mananahimik na 'ko, magpapakumbaba na ko, handa kong gawin yun dahil ganun ko kamahal ang anak ko. Sana po kahit konting pagmamahal bigyan niyo rin ang anak ko."

Source : The Buzz, August 15, 2010
kang nagustuhan, na hindi ka nila type, eh di siyempre masakit naman yun."

2 comments:

  1. alam mo kris, tutuo yan, balang araw makikita ng anak mo ang interview na ito sa lola nya, wala ngang sinabing masama ang byenan mo eh, kahit kitang kita sa kanya na nagpipigil lang sya, bakit? kasi nirerespeto ka nya bilang ina ng aop nya. mahusay kang magsalita, sa nararandaman mo,pero iba ang sinasabi mo sa ginagawa mo. tigilan mo na sana ang pagtapak sa pagkatao ng ama ng anak mo. indi moo ito ginawan kay joey m, o kay philip salvador,o sa kanino mang naging lalaki mo. bakit? kasi mahirap lang ang pamilya ng tatay ng anak mo? kasi mababait na tao sila? o kasi takot sila sa kapatid ngg presidente? ayoko sanang mawala ang pag hanga ko sayo kris, kasi tutuong tao ka...sana isang araw maipaliwanag mo din ng maayos kay babay james pagdating ng araw kung bakit gusto mong ipaalis ang surname na YAP, kung bakit mas gusto mo syang maging bastardo kesa gamitin ang gapelyido na yan...at sana maintindihan ka nya kasi para sakin...wlang paliwanag na pwedeng ijustify yan...pag isipan mo na, nayon palang

    ReplyDelete
  2. at sana naririnig mo ang sarili mo sa mga pinagsasabi mo. tama ba na payagan mo ang mga abogado mo na iserve ang petisyon mo sa lugar at oras na binibigyang parangal ang tatay ng anak mo? indi mo mo na nahintay na makauwi ung tao? ipinakita mo lang kung pano ka kawalang pakialam sa damdamin ng kapwa mo tao, wag na lang natin sabihing asawa mo at tatay ng anak mo. ....sana mabasa din ito ni baby james para malaman nya kung gano ka magtrato ng tao, swerte ka anak ka ng mga AQUINO

    ReplyDelete