Sunday, August 29, 2010

Will the Claudine Barretto-Angelica Panganiban rift end in a libel suit?


Patuloy ang pag-init pa ng iringan sa pagitan nina Claudine Barretto at Angelica Panganiban. Kamakailan ay napabalitang balak magsampa ng kaso ni Claudine laban kay Angelica dahil sa diumano’y mapanirang akusasyon ng huli laban sa kanya hinggil sa kanyang personal na buhay. Kamakailan din ay nagsalita na rin ang Star Magic founder na si Direk Johnny Manahan o mas kilala bilang Mr. M. na nagsilbi ring tatay-tatayan ng dalawang aktres.

Iniulat sa The Buzz kahapon na kahit pa man lumipat na si Claudine sa GMA-7 ay itinuring pa ring kabahagi siya ng Star Magic pero nagbago ito nang ayaw na raw niyang makinig sa mungkahi ng ABS-CBN artist management arm na itigil na ang paninira at pakikipag-away kay Angelica nang walang dahilan.

Sinabi pa ni Mr. M na pinipili pa umano ni Angelica na hindi magsalita para sa kapakanan ni Claudine. Sa text message ni Mr. M ay sinabing makasisira daw umano ang sasabihin ni Angelica sa career ni Claudine kaya nagmamalasakit ito pero hindi raw matatanggap ng aktres ang mga kasiraan sa kanya. Hinamon din ni Mr. M si Claudine na ituloy ang balak nitong magdemanda pero handa raw silang lumaban.

Naglabas na rin ng official statement ang kampo ni Angelica sa pamamagitan ng legal counsel nito na si Atty. Joji Alonso. Narito ang kabuuan ng nasabing pahayag.

“Angelica has been advised to maintain her silence. There is no need for her to say anything, more so, in reaction to what has been said, she has not done anything wrong, much less, maligned Claudine. On the contrary, it is Angelica who is being maligned by these unfounded accusations.

“Neither is there a need to dignify this incident by saying something more than what has already been said. It is hoped that with this statement this issue comes to an end. Whatever more is said against Angelica shall be a cause for the filing of the appropriate civil and criminal cases.”

Patuloy naman umano ang pakikipag-ugnayan ng Star Magic sa kampo ni Claudine para maayos ang isyu

1 comment: