Sunday, August 22, 2010

Robin Padilla and Mariel Rodriguez keep mum about wedding issue


Bumalik na ng Pilipinas sina Robin Padilla at Mariel Rodriguez galing sa bakasyon sa India. Naging mailap naman ang dalawa hinggil sa isyung nagpakasal na raw sila doon. Hindi nila kinumpirma o itinanggi ang nasabing isyu. Paliwanag pa ni Mariel, hindi ito ang tamang panahon para sagutin ang isyu dahil mas may importanteng isyu na kailangan nilang kaharapin.

“There’s a proper time to talk about that (wedding issue). Right now, there are bigger issues that we have to tackle, it’s regarding his son Ali,” ani Mariel patukoy sa isyung napapabayaan daw ng kanyang boyfriend na si Robin ang kanyang mga anak, ayon sa dating asawa ng action superstar na si Liezl Sycangco na naka-base ngayon sa Australia.

Sinabi ni Robin na kailangan daw niyang pauwiin ang bunsong anak na si Ali sa kanyang ina.

Samantala, nilinaw rin ni
Mariel na hindi niya iiwan ang Pilipinas Win na Win gaya ng mga nasulat na balita. Dagdag pa niya, nagbabakasyon lamang siya. “I’m only on an indefinite leave. I did not resign. I did not turn my Twitter on, I only sent one photo,” kuwento ni Mariel at na-enjoy daw talaga niya ang privacy.

No comments:

Post a Comment