Monday, August 23, 2010

Pokwang to Willie Revillame: ‘Nasaktan kita, nasaktan din ako’


Emosyunal na humarap si Pokwang sa The Buzz kahapon upang sagutin ang mga isyung ibinabato niya. Unang tinalakay ang isyung lumaki na raw ang ulo ng komedyante kung kaya’t marami ang bumabatikos sa kanya. “Ganun talaga kapag alam mo ang karapatan mo, alam mo kung paano mangatwiran,” paliwanag ni Pokwang. “’Pag lumabas ang boses (mo), para sa kanila malaki na ang ulo.” Batayan daw na hindi totoo ang paratang na ito ang patuloy na pagdating ng mga proyekto sa kanya. “Sa trabahong ito, ‘pag lumaki ang ulo mo, wala ka nang trabaho at ‘pag nawalan ako ng trabaho paano naman po ‘yung umaasa sa akin? Kaya hinding-hindi ko po magagawa ang magmalaki.”

Nagsalita rin si
Pokwang hinggil sa isyung isa sa kondisyon ni Willie Revillame noon sa naudlot niyang pagbabalik sa Wowowee ay ang tanggalin sina Pokwang at Mariel Rodriguez sa show. “Siyempre po nagulat ako kasi bilang ginagawa lang po namin ang trabaho, sa dami pa po ng mas maliliit ang suweldo sa amin sa Wowowee, mas kailangan po nila ng trabaho talaga,” sagot ni Pokwang.

Tatlong taon daw silang nagsama ni Willie sa dating noontime show at naniniwala si Pokwang na ang sentimyento sa kanya ni Willie ay dulot ng sabi-sabi ng iba na nasa paligid ng controversial host. “Siguro dahil na lang po sa nasa paligid diyan na pilit pinaglalayo ang landas namin. Sa totoo lang wala akong ano kay Kuya (Willie). Hindi po totoong wala akong utang na loob, na ingrata ako. Marunong po akong tumanaw ng utang na loob,” pagdidiin niya. “Kaya lang kasi magsalita ka’t hindi, sila ang magiging husga… ang mga malalapit sa kanya.” Gayunpaman nagpapasalamat si Pokwang sa ABS-CBN dahil hindi raw siya pinabayaan.

Hindi pa man sila nakakapag-usap ni
Willie ay nagbigay na lang ito ng mensahe sa dating katrabaho. “Nagkasakitan tayo, nasaktan kita and nasaktan din ako sa mga nangyayari. Pasensiya na Kuya pero isa lang talaga ang wish ko sa birthday ko, mawala na ang lahat ng mga ito (intriga)...napakaliit ng industriyang ito, alam ko one day magkakaharap din kami.”

1 comment:

  1. Ms Pokwang, tama ka, ang mga mapanghusga, magsalita ka o hindi, may konklusyon na agad. Mabait kang bata at mahal ka ng diyos, mahal ka namin mga fans mo. Just continue to be yourself at ang panginoon ang bahala sa iyo. Be strong and always pray and thank God for all your blessings (na alam kong lagi mong ginagawa). I love you Ms. Pokwang.

    ReplyDelete