Sunday, August 15, 2010

Krista Ranillo clarifies that she did not get married because she's pregnant


Ikinagulat ng marami ang pagpapakasal ng aktres na si Krista Ranillo sa kanyang childhood friend at US-based businessman na si Niño Jefferson Lim noong Agosto 8. Pero kuwento ni Krista sa kanyang exclusive interview sa The Buzz, July pa lamang ay nagpakasal na sila. “July 14 nagpakasal na po kami ni Niño sa Norwalk (Los Angeles) lang po at wala pong mga witnesses,” kuwento ng aktres. “It was a very private (event) and talagang ‘yung reception namin after that sa burger place lang. After no’n nag-decide po kami na magpakasal naman ng August 8, ‘yung parang celebration lang, imbitahan natin ‘yung mga kaibigan natin, mga kamag-anak natin.

Kasabay nito ay isang malaking rebelasyon din ang pinakawalan ni Krista. “I’m going to be a mother,” lahad niya. Pero agad niyang idinugtong na hindi siya nagpakasal dahil nabuntis siya. “Gusto ko lang i-clarify na hindi po talaga kami nag-asawa for any other reason, not because of the pregnancy. Nasa early stage pa ako ng pregnancy talagang ngayon we are building a family together. So we’re both excited about that.”

Nagbigay din ng background si Krista sa kanyang mister. “Si Niño po, isa ko siyang kababata, isa siyang mabuting tao, businessman siya. He’s very smart, Suma Cum Laude graduate siya sa UST and siguro ‘yung qualities na gusto ko sa kanya nakikita niya talaga ‘yung kabutihan ng tao. Wala kasing perfect na tao pero pag nahanap mo ‘yung tao na perfect sa ‘yo, ayaw mong lumipas ang isang araw na hindi kayo magkasama,” sabi ni Krista.

Ikinuwento rin niya kung bakit bigla siyang umalis sa Pilipinas kahit na may mga projects pa siya noon. “Alam naman po kasi ng lahat (na) nung time na ‘yon medyo magulo talaga and para sa akin nakatulong talaga sa akin na pumunta ako kung nasaan ‘yung pamilya ko,” ani Krista, patungkol sa panahon nang inili-link siya kay boxing champ Manny Pacquiao. Dagdag pa ni Krista, pagdating niya sa US ay nakipag-usap siya sa kanyang pinsang designer sa Los Angeles upang magsosyo sa paggawa ng mga damit. “Nag-usap kami na magko-collaborate kami ng gumawa ng younger line kasi ang mga ginagawa po niya mga bridal wear, mga gown para sa mga celebrities.”

No comments:

Post a Comment