Monday, August 23, 2010

oni Gonzaga admits past feelings for Sam Milby on The Buzz


Nilinaw ni Sam Milby kahapon sa The Buzz na wala talagang katotohanan ang mga bali-balitang sila na ng Youtube sensation na si Marie Digby pero hindi niya itinangging mas lalo silang close ngayon. “A lot of people think na kami na pero ako I like her, she likes me,” simula ni Sam sa panayam niya with Toni Gonzaga. “I do like her, napakabait talaga. Maganda (at) talented.” Gayunpaman hindi sila nagkikita dahil naka-base sa United States si Marie samantalang siya naman ay dito sa Pilipinas.

Nag-concert si Marie dito sa Pilipinas last year at doon sila nagkakilala ni Sam. Dalawang beses silang nag-date pero hindi na ito naulit nang bumalik sa US ang female singer. Hanggang sa ngayon daw ay patuloy pa ang komunikasyon nila sa pamamagitan ng phone. Toni mentioned na nabalita na nagpunta si Sam at Marie sa Boracay at kinumpirma naman ito ng aktor.

Sa tuksuhan nina Toni at Sam tungkol sa love life ay muling nabuksan ang paksa ng kanilang nakaraan at sila ay nagkaaminan. Matatandaang nagkaroon ng nakaraan ang dalawa at nagtambal sa ilang pelikula na naging box-office hits pero hindi nauwi sa totohanan ang kanilang love-team. “Nung single ako nilaan ko talaga ang panahon ko sa ‘yo,” pag-amin ni Toni kay Sam. “Pero at that time busy si Sam, andami niyang ginagawa. Na-distract ka din. There were distractions along the way,” pagbubulgar pa ng actress-host.

Sumagot naman si Sam at sinabing kahit si Toni ay naging busy rin at alam din daw ni Toni kung ano ang nararamdaman ni Sam sa kanya noon. Nagbiro pa tuloy si Toni kay Sam kung bakit daw ngayon siya nagsasalita kung kailan may kanya-kanya na silang buhay at committed na ngayon si Toni sa director na si Paul Soriano.

Samantala, babalik sa primetime block si Sam Milby sa pamamagitan ng upcoming kantaserye, ang Idol na katatampukan din ni Sarah Geronimo, Coco Martin, ZsaZsa Padilla, Agot Isidro at marami pang iba.

No comments:

Post a Comment