Sunday, August 8, 2010

Sarah Geronimo's father attacked inside ABS-CBN basement parking


Isang lalaki ang nagtangkang saktan si Delfin Geronimo, ang ama ng Pop Star Princess na si Sarah Geronimo pero mabilis naman itong nakaiwas sa panganib at sumaklolo agad ang security ng ABS-CBN sa kanya.

Isa umano sa mga security guards ng ABS-CBN compound ang nagsabi kay Delfin na may tao sa parking area na nasa basement one ng ABS-CBN building at naghihintay dahil dala ang mga regalo para diumano kay Sarah mula sa isang sponsor. Pagdating diumano sa basement one ay isang lalaki ang sumalubong kay Delfin at itinuro sa ama ni Sarah kung saan ang van na naglalaman diumano ng mga regalo ni Sarah. Pagdating umano sa van ay sinabi ng suspect na kinilalang si Paulino Mercado na may pipirmahan daw si Delfin bago makuha ang mga regalo. “Yung pagpasok niya (sa van) medyo patulak nang konti pero nagkaroon na ako ng idea na medyo delikado,” kuwento ng ama ni Sarah. Iminungkahi diumano ni Delfin na pirmahan na lang sa labas ng van ang mga papepeles subalit ipinipilit ng suspek na sa loob ng van na lang pirmahan ang mga papeles.

Sa paglayo diumano ni Delfin ay bigla siyang inakbayan ng suspek at tinutukan diumano ng stun gun subalit dumaplis lamang ito sa likod ni Delfin na sa puntong iyon ay nanlaban at sumigaw. “Nung naramdaman ko na ‘yun, kinabig ko na siya, sabi ko iba na ‘to. Tinamaan niya ako nang konti, hindi niya naitutok sa akin ‘yung pang-kuryente.” Mabilis naman daw nakaresponde ang security members ng ABS-CBN at nahuli ang suspek na dinala sa Station 10 ng Quezon City Police District.

1 comment:

  1. good,,,,mabuti pa rin si god sa family ni princess!!!!!!!!!!bcoz shes still doing good and great job!!!!nice,,,,princess

    ReplyDelete